Itatayo ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ang isang 20,000 Bags Capacity Onion Cold Storage Facility sa Barangay Mabiga, Hermosa, Bataan.

Target itong matapos ngayong taon at inaasahang magamit na ng mga miyembro ng New Hermosa Farmers Association.

Isinagawa ang seremonyal groundbreaking ng pasilidad noong ika-17 ng Marso.

Magsisilbing simbolo umano ito bilang marka ng sisimulang konstruksyon ng unang cold storage sa lalawigan.

Nasa Php 40-milyon ang inilaang pondo ng ahensiya para maipatayo ito sa 747 square meters.

Kasama ni National Program Assistant Director for Bureau of Plant Industry Dr. Herminigilda Gabertan, Regional Technical Director for Operations and Extension Dr. Eduardo Lapuz, Jr., HVCDP Regional Coordinator AB David at Field Operations Division Chief Elma Mananes.

Dumalo rin sa aktibid ang ilang opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa at Provincial Government ng Bataan na sina Municipal Mayor Antonio Joseph Inton, 1st District Board Member Atty. Antonino Roman III, Provincial Agriculturist Engr. Johanna Dizon at Officer-in-Charge Municipal Agriculturist Vincent Mangulabnan.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon