2021-Research and Development in House Review, isinagawa
Dinaluhan ng mga mananaliksik at mga agriculture scientist ang 2021 Research and Development In-House Review sa Department of Agriculture – Central Luzon Integrated Agricultural Research Center for Lowland Development, Paraiso, Tarlac City noong ika-28 hanggang ika-30 ng Hulyo.
Pinangunahan ang nasabing in-House Review nina OIC-Regional Technical Director for Research Regulatory and Integrated Laboratories Dr. Arthur D. Dayrit, at Research Division Chief Dr. Irene M. Adion.
Katulong din sa mga gumabay sa mga mananaliksik sina Dr. Marilou Sarong, Assistant Professor I and Division Chief of CCSD-URC; Dr Maria Asuncion Beltran, Vice President for Research, Extension, and Training ng Tarlac Agricultural University; at Dr. Virgilio Gonzales, Center Director ng Tamarind Research and Development Center.
Ang nasabing in-house review ay nahati sa completed studies at on-going studies na kung saan naging blended ang approach dahil ang ibang panelist o tagasuri ay nasa zoom application upang makasunod sa mga patakarang pangkalusugan ngayong may pandemya.
Binigyaan diin ni OIC-RTD Dr. Arthur D. Dayrit ang kahalagahan ng nasabing programa. Ayon kay Doc. Dayrit, “On behalf of our Executive Director, again I would congratulate each and everyone for a job well done despite of challenging time na nararanasan natin and may I remind na ‘yung ginagawa natin ay para sa ating magsasaka at mangingisda for betterment of their life.”
Nabigyan daan din ng 2021 Research and Development in-house review ang mga mananaliksik na makapagbahagi ng mga karanasan tungkol sa kanilang proyekto habang nabibigyan ng mga suhestiyon ng mga tagasuri o evaluators upang higit na mapahusay ang kanilang mga proyekto.