Nakibahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan o Women’s Month na may temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”
Para sa Women’s Month Kick-off activity, ang mga empleyado ng ahensiya ay nagsuot ng kulay “lila” na damit noong ika-1 ng Marso, sa DA RFO 3, DMGC, Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.
Binibigyang importansiya rin ng pagdiriwang na ito ang Gender Equality at The Spaces Act (Republic Act No. 11313) o ang Bawal Bastos Law na naglalayong matiyak ang pagkakapantay-pantay, seguridad, at kaligtasan ng bawat indibidwal.
Samantala, ang opisina ng Gender and Development Focal Point System ay nakatuon sa Gender Mainstreaming o tumatalakay sa isang estratehiya upang gawing mahalaga ang pagpapatupad, pagsubaybay, pagsusuri ng mga patakaran, programa, at karanasan ng kababaihan at kalalakihan sa mga panlipunan, pampulitika, sibil, at maging sa pang-ekonomikong larangan.
Bahagi ng nasabing pagdiriwang ang “Wearing Purple Uniform Day” na gagawin tuwing Biyernes sa buong buwan ng Marso.