Nagsagawa ng pagpupulong para sa Regional AFC Congress and Search for Outstanding Agricultural and Fishery Council Chairpersons, Secretariat Coordinators and Agricultural and Fishery Council Sectoral Committees nitong ika-2 ng Hulyo, 2024 sa DA RFO III Training Room.
Sa mensahe ni Regional Technical Director for Operations, Extensions, and Agribusiness and Marketing Assistance Division Dr. Arthur D. Dayrit, kanyang binigyang pugay ang mga AFC volunteers ng Kagawaran.
“To strengthen our AFC partnership is to have a congress, para mapakita natin kung paano po natin i-support ang ating mga volunteers, alam naman po natin na walang tatalo sa heart of our volunteers, imagine walang bayad pero they’re doing services to our farmers and fisheries”. ani Dayrit
Sa pangunguna nina RAFC REO Noli Sambo at RAFC Coordinator Lordelyn Dela Cruz, naibahagi ang mga plano patungkol sa gaganaping awards day sa darating na Agusto para sa search for the outstanding performers.
Layunin ng pagpupulong na likumin at alamin ang mga isyu at concerns sa larangan ng agri-fishery sectors mula sa grassroots level at kilalanin ang iba’t ibang AFC na walang sawang nag sisikap mag tagumpay ang mga programa at proyekto ng DA region 3.