Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng 2nd Quarter Regional Management Committee (RMC) Meeting Farmers Training Center, National Irrigation Administration (NIA) sa Brgy. Tambulong, San Rafael, Bulacan noong ika-11 ng Hulyo.
Pinangunahan ni Regional Manager, NIA Region III Engr. Josephine Salazar, ang pagbibigay ng paunang mensahe paukol sa pagpupulong na ginanap.
Para naman sa meeting proper, inumpisan ni Regional Technical Director (RTD) for Research, Regulatory and Integrated Laboratory Division (ILD) na si Dr. Arthur Dayrit presentasyon ng iminungkahing agenda.
Nagkaroon ng pagbabasa, pagsusuri, pag-apruba, at paksang nais pag-usapan sa nakaraang RMC minutes of the meeting, at presentasyon sa new business na ibinahagi ni Planning Evaluation Officer (PEO) III na si Henry Ilagan.
Samantala, pinangunahan ni Project Development Officer ng PhilRice na si Lorenzo Lopez, Jr. ang pagbabahagi ng FY 2023 Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) (Seed Component) ang mga nagawa at naisakatuparan noong Hunyo ika-30 ng kasakuluyang taon, patungkol sa presentasyon ng mga programa, proyekto, at akitibidades ng PhilRice (Regular Program).
Gayundin si Senior Science Research Specialist (SSRS) PhilMech na si Allen Denver Mangaoil na nagbahagi naman ng FY 2023 RCEF (Mechanization Component) sa matagumpay na mga proyekto, programa, at aktibidades na naisagawa para sa petsang Hunyo ika-30 ng kasalukuyang taon ng PhilMech (Regular Program).
Karagdagan din dito, nagbahagi din ng mga proyekto, presentasyon ng mga programa, at akitibidades para sa FY 2023 RCEF (Credit Component) si Agricultural Credit Policy Council (ACPC) Luzon Area Head na si Celedonio Pereyra sa petsang Hunyo ika-30 ng kasalukuyang taon para sa ACPC (Regular Program).
Sa kabilang banda, nagbigay naman ng update si Dr. Jermaine Juco, isang Veterinarian II ng Departmet of Agriculture Regional Field Office III (DA-RFO III), patungkol sa Avian Influenza (AI) at BABay ASF.
Nagbigay naman ng update si Rice Program and Department of Agriculture Disaster Risk Reduction Management (DADRRM) Focal Person DA-RFO III Dr. Lowell Rebillaco, sa estado ng Fertlizer Discount Voucher at pagsubaybay sa epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura at mga istratehiya ng programa ng Kagawaran para sa paghahanda sa El Niño.
Samantala, pinangunahan ni Engr. Christian Manalo, Acting Engineering Operations Division (EOD), NIA Region 3, ang pagbabagi sa mga programa, proyekto, aktibidad, at inirerekomendang pagkilos para mabawasan ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Para naman sa FY 2023 Accomplishment at Updates sa Adaptive Balanced Fertilization Strategy, sa ilalim ng National Soil Health Program kasama ang iba pang mahahalagang aktibidades, ibinahagi ni Engr. Oscar Carpio Regional Focal Person ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ang balita paukol dito.
Ang Alternate Regional Focal Person BSWM na si Alvin Brylle Concepcion, ay nag-presenta ng Accomplishments at Updates sa FY 2022 at FY 2023 patungkol sa Compost Production Implementation [Small Scale Composting Facilities (SSCF) at Composting Facility for Biodegradable Waste (CFBW)].
Karagdagan din dito, ang Reconstitution ng Department of Agriculture Gender and Development (GAD) Focal Point System ay ibinahagi ni Dr. Milagros Mananggit Chief, ILD at GAD Focal Person.