Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO III) sa pangunguna ng Planning, Monitoring and Evaluation Division ang CY 2025 3rd Quarter Assessment/Review of the Physical and Financial Accomplishment of DA’s Programs and Projects noong ika-8 hanggang 9 ng Oktubre sa Hevea Hotel and Resort, Angeles City, Pampanga.

Layunin ng dalawang araw na pagtitipon na suriin ang physical and financial accomplishments ng mga programa at proyektong pang-agrikultura sa rehiyon batay sa mga itinakdang target ng ahensya.

Sa pamamagitan nito, natukoy ang mga isyung nakaaapekto sa implementasyon at nailatag ang mga kaukulang hakbang para mapabuti pa ang pagpapatupad ng mga programa sa susunod na quarter.

Kabilang sa mga tinalakay ang estado ng pondo, cash disbursement, at performance ng iba’t ibang banner programs tulad ng Rice, Corn, Organic Agriculture, Livestock, High Value Crops Development, National Urban and Peri-Urban Agriculture Program, at mga espesyal na programa gaya ng SAAD, 4K, AMIA, at F2C2.

Ibinahagi rin ng bawat division ang kani-kanilang accomplishment reports at financial updates, alinsunod sa performance appreciation system ng Kagawaran.

Sa pagtatapos ng aktibidad, inaasahang makabubuo ang DA-RFO III ng isang komprehensibong ulat na maglalaman ng mga rekomendasyon at action plan na magsisilbing gabay sa mas mahusay na paglalaan ng pondo at pagpapatupad ng mga programa sa nalalabing bahagi ng taon at sa susunod na fiscal year.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong