3rd Quarter RMC Meeting, pinangunahan ng DARFO3
Pinangunahan ng Department of Agriculture – Regional Field Office 3 ang 3rd Quarter Regional Management Committee (RMC) meeting nitong ika-siyam ng Setyembre sa Department of Agriculture, City of San Fernando, Pampanga.
Pinangunahan ang nasabing pagpupulong ni Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr. katuwang ang Regional Technical Director for Operations and Extensions Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr. na kung saan dinaluhan din ang mga kaakibat na ahensya via zoom.
Dinaluhan ang nasabing RMC meeting nina Dr. Ronan G. Zagado, Chief Science Research Specialist ng Philippines Rice Institute (Philrice); Mr. Jhoemar Dela Cruz, Regional Coordinator ng Philrice; Mr. Domingo R. Miranda, Head of Luzon A Cluster ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (Philmech); Mr. Mario A. Lapitan, OIC-Center Director ng Agricultural Training Institute; Mr. Roel P. Valdez; Technical Head ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA); Dr. Xandre D. Baccay, OIC-Chief of Regulatory Division ng DARFO3; Ms. Elisa E. Mallari, Livestock Program Coordinator ng DARFO3; Mr. Rolando G. Santos, Head ng Landbank – PLC; at Mr. Fernando C. Lorenzo, Agribusiness and Marketing Assistance Service Division Chief ng DARFO3.
Nilalayon ng nasabing pagpupulong na talakayin ang iba’t ibang proyekto, programa at aktibidad ng DA at mga katuwang na ahensya tulad ng update tungkol sa seed component, mechanization, training component, golden rice, presyo ng abono, ASF inspire project and swine repopulation, loans at kabataang agribiz competitive grant assistance.
Inaasahang sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng kagawaran at ng bansa, patuloy pa rin ang paglunsad ng mga proyekto at mga programa para sa ating mga magsasaka at mangingisda ng bansa.