Lumahok ang nasa 80 kawani ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 (DA RFO 3) mula sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng Integrated Laboratories Division sa Gender Sensitivity Training (An Organization-Focused Gender and Development Seminar) na ginanap noong Hulyo 2, 2026 sa Training Room, Barangay Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Sa kaniyang welcome remarks at inspirational message, binigyang-diin ni Dr. Milagros Mananggit, Hepe ng Integrated Laboratories Division, ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman ng bawat kawani hinggil sa Gender and Development (GAD).

Aniya, ang pag-unawa sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, paggalang sa pagkakaiba-iba, at paglikha ng isang ligtas at inklusibong lugar ng trabaho ay mahalagang salik upang higit pang mapahusay ang serbisyo publiko at mapatatag ang kultura ng paggalang at malasakit sa loob ng organisasyon.

Naging resource speaker si Ms. Sherryl Balatbat Santos na nagbahagi ng mahahalagang paksa tungkol sa Status of Women, GAD Laws and Rules, Sex and Gender, Sex and Gender Roles, Sex and Gender Stereotypes, Five Finger Talk, SOGIESC, at Safe Spaces.

Dinaluhan ang seminar ng mga kawani mula sa Regional Crop Protection Center, Regional Soils Laboratory, Satellite Laboratory, Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, Feed Chemical Analysis Laboratory, at Bids and Awards Committee bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng gender-responsive at inclusive na kapaligiran sa DA RFO 3.

#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong