Isang makabuluhang seminar tungkol sa Rabies Awareness, Integrated Laboratory Division (ILD) Services, at Gender and Development (GAD) Orientation ang ginanap noong ika-14 ng Setyembre sa Multi-Purpose Hall, Subic, Zambales.

Inaasahan na sa pagsasanay na ito ay mapalaganap pa nang husto ang kamalayan tungkol sa mga serbisyo ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon lalong lalo na ang ILD at GAD ng ahensiya.

Ito ay pinangunahan ni ILD Chief at GAD Focal Person Dr. Milagros Mananggit.

Nasa 30 ang dumalo sa aktibidad na kinabibilangan ng mga kawani ng Municipal Agriculture Office, Barangay Volunteers, mga Punong-Barangay, at Barangay Kagawad.

Ipinaliwanag dito ang mga sumusunod na paksa: Oryentasyon ng Serbisyong ILD at Update sa Programa laban sa Rabies, Antimicrobial at Serbisyong Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, mga Dapat Malaman ukol sa Rabies, Kaligtasan sa Pagkain at Feed Chemical Analysis Laboratory Services, Biological Control Agents and Services, at batas kaugnay sa GAD.

Sa tulong ng ganitong uri ng pagsasanay, mas nagiging handa ang mga lokal na lider at mga volunteer sa kanilang paglilingkod sa kanilang nasasakupan at nadadagdagan ang kanilang kaalaman sa mga programa at proyekto ng DA.

Ipinapakita nito ang dedikasyon ng Munisipalidad ng Subic, Zambales sa pagpapabuti ng kalusugan at kabuhayan ng kanilang mga mamamayan, pati na rin ang pagsusulong ng kaalaman ukol sa mga mahahalagang isyu tulad ng Rabies, Serbisyong ILD, at GAD.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon