AGRI-BALITA: DA, sinisigurong maayos ang delivery ng agri-commodities sa kabila ng ECQ sa NCR
Posted by Department of Agriculture Central Luzon on Thursday, August 5, 2021
Sa naging anunsyo ng Presidente nitong ikalawa ng Agosto na muling mapapasailalim sa ECQ ang NCR mula August 6 hanggang 20 ay sinisiguro naman ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon na maayos at tuluy-tuloy ang daloy ng pagpasok ng mga kalakal pangagrikultura sa NCR ayon narin sa direktiba ng Kalihim ng Pagsasaka William Dar.
Ayon sa Hepe ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA-RFO 3 Fernando Lorenzo, nagpapasok ang rehiyon ng 290-300 metro tonelada araw-araw sa NCR.
Dagdag pa nito na handa rin ang DA na tulungan ang mga magsasaka ng maibenta ang kanilang mga ani, indibidwal man ito o grupo at kinakailangan umanong nasa 2.5 metro tonelada pataas ang ani upang hindi masayang ang paggamit ng KADIWA trucks at dapat nasa maayos na kalidad upang hindi magdulot ng problema sa buyer.
Sa naging panayam naman sa Marketing Specialist ng AMAD na si Chat Libut, nabanggit nito ng magagamit parin ang lahat ng Food Pass na kanilang inilabas noong nakaraang taon.
Maari naman tawagan ang numerong 0998 575 2383/0928 554 7437 o magemail sa amadrfo3.foodpass2021@gmail.com Kung may katanungan sa Food Pass Issuance.