AGRIBALITA || MGA PROGRAMA SA KABATAAN, TAMPOK SA DARFO3-HIGH VALUE CROPS DEVELOPMENT PROGRAM

Matapos ang pagdiriwang ng ika-dalawampu’t isang International Youth Day, pagtutuunan pa rin ng pansin ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 – High Value Crops Development Program ang mga trainings at programa para sa mga kabataan.

Inilahad ni High Value Crops Development Program o HVCDP Coordinator Engineer AB P. David ang mga inilulutong proyekto at programa para sa mga kabataan ngayong taon.

Hangarin ng ahensiya na sa paraang ito, mas mahihikayat ang mga bagong henerasyon na pasukin ang Sektor ng Agrikultura.