Matagumpay na naisakatuparan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO III) sa pamamagitan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) ang isinagawang Information Caravan na may temang “Agrikultura Para sa Masaganang Bagong Pilipinas” na ginanap noong ika-9 ng Oktubre 2025 sa Bren Z. Guiao Convention Center, City fo San Fernando, Pampanga.

Ang nasabing aktibidad na ito mula sa kagawaran ay bahagi ng suporta sa pambansang layunin ng administrasyong Marcos sa ilalim ng “Bagong Pilipinas”. Sa pamamagitan ng caravan, inilalapit ng kagawaran ang mga programa ng pamahalaan sa mga komunidad upang masiguro na ang mga magsasaka, at mangingisda ay mayroong sapat na kaalaman at akses sa mga serbisyong makatutulong sa paglago at mapatatag ang seguridad ng pagkain sa rehiyon.

Nagpaabot naman ng inspirasyonal na mensahe si Board Member and Chairperson, Committee on Agriculture ng 1st District of Pampangang, Cherry Manalo at mensahe ng pasasalamat si DA Regional Technical Director for Operations and Extensions and AMAD Arthur D. Dayrit Ph.D para sa mga dumalo at nakibahaging mga magsasaka at mangingisda.

“Tunay pong nakaka inspire makita ang ganitong pagtitipon, kung saan sama-sama ang ating mga magsasaka at mangingisda, lokal na pamahalaan at mga katuwang ng ahensya sa iisang layunin. Ang itaguyod ang isang masigla at masaganang sektor ng agrikultura. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng malawak na inisyatibo ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng kaniyang Bagong Pilipinas campaign. Sa ilalim ng programang ito, binibigyang diin ni pangulong Marcos ang pagpapalakas ng ating mga pangunahing sektor partikular na ang agrikultura na siyang ugat ng ating ekonomiya at kabuhayan ng marami saating mga kababayan.”

Bilang parte ng isinagawang caravan, nagkaroon ng talakayan at presenstasyon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang opisina at attached agencies ng DA ukol sa mga pangunahing programa sa agrikultura at pangisdaan mula sa mga makabagong inbterbensyon, modernisasyon at suporta para sa mga magsasaka at mangingisda

Kabilang sa mga tinalakay sa isinagawang caravan ang mga serbisyo at interbensyon mula sa High Value Crops Development Program, Status ng African Swine Fever (ASF) sa Gitnang Luzon, Gabay at Probisyon sa ilalim ng Memorandum Circular No.41, mga programa para sa Corn Pogram at Clustering, LBP Agri Lending Programs mula sa Land Bank of the Philippines, at mga programa, proyekto at interbensyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Nagkaroon din ng open forum matapos ang bawat presenstasyon, upang direktang masagot at mabigyang linaw ang katanungan ng bawat kalahok. Sa pamamagitan nito ang mga pangangailangan mula sa komunidad ay nabibigyang kasagutan.

Bilang bahagi ng programa at mapalawak ang serbisyo mula kagawaran, nagtayo ng information booth ang bawat bureaus, attached agencies at banner programs ng DA sa lugar ng aktibidad kung saan nagkaroon ng pagkakataon na mamahaging Information, Education, and Communication (IEC) materials at mga promotional items.

Kabilang sa mga nagtayo ng information booth ang DA-Livestock, High Value Crops Development Program (HVCDP) /National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP), Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K Porgram), Agricultural Training Institute (ATI) Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), at Bureau of Plant Industry (BPI).

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong