Ginanap ang 2nd Quarter Management Committee (RMC) Meeting ng mga kalakip na ahensya at kawanihan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon, ika- 27 ng Hunyo sa BFAR III, Conference Room, Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Layunin ng pagpupulong na malaman ang sitwasyon, problema, programa at proyekto ng ibat ibang kalakip na mga ahensya at kawanihan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon. Pinangunahan ni Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr. ang pagpupulong katuwang si RTD for Operations, Extension and AMAD, Dr. Arthur D. Dayrit at iba pang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Kabilang sa mga napag-usapan sa pagpupulong ang sapat at wastong pamimigay ng punla, produksyon ng isda at asin, pati na rin ang kalagayan ng pagsasaka sa nalalapit na tag-ulan at sa tumataas na posibilidad ng La NiƱa sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto.
Hindi pinalagpas ng mga kalakip na ahensya at kawanihan ng DA Region III ang pagpupulong sapagkat marami ang nakiisa at dumalo sa nasabing pagpupulong.
Bukas lagi ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon na tumulong sa mga magsasaka upang matugunan ang pangangailan at masigurado ang masaganang ani at mataaas na kita para sa lahat.