ZeroKmFoodProject

#ZeroKmFoodProject|| Kasalukuyang isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka ang Joint Ceremonial Signing of the Memorandum of Agreement para sa Zero-Kilometer Food Project ngayong araw, ika-5 ng Hunyo sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City. Ito ay sa pangunguna ng Department of Agriculture – Office of the Secretary. #DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

PUBLIC SERVICE CARAVAN, MATAGUMPAY

Matagumpay na naisagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang CLTV36-Bitag Public Service Caravan nitong ika-31 ng Mayo sa Robinsons Starmills, City of San Fernando, Pampanga. Layunin nito na makapagbigay ng serbisyo at kaalaman patungkol sa mga programa na mayroon ang bawat ahensiya gayundin ang Job Fair para naman sa mga jobseekers. Dinaluhan continue reading : PUBLIC SERVICE CARAVAN, MATAGUMPAY

GREENHOUSE WITH HYDROPONICS, IGINAWAD SA BAUSA INTEGRATED FARM

Iginawad ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon ang Greenhouse with Hydroponics sa Bausa Integrated Farm (BIF) noong ika-30 ng Mayo sa Barangay Gabihan, San Ildefonso, Bulacan. Sa ilalim ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP), ito ay opisyal na isinagawa sa isang ribbon cutting at turnover ceremony. Sa kabuuan, nagkakahalaga ng continue reading : GREENHOUSE WITH HYDROPONICS, IGINAWAD SA BAUSA INTEGRATED FARM

MarketFacilitation

#MarketFacilitation || Isang pagpupulong ang kasalukuyang isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Zaragoza, Nueva Ecija kasama ang Batitang Agriculture Cooperative ngayong araw, ika-29 ng Mayo sa Brgy. Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija. Ito’y alinsunod sa walang tigil na pakikipag-ugnayan ng continue reading : MarketFacilitation

BOGTONG AGOHO DIVERSION DAM, IGINAWAD SA AUFA

Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa ilalim ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED) katuwang ang Rice Banner Program ang turnover ceremony ng Bogtong Agoho Diversion Dam nitong ika-23 ng Mayo sa Sitio Olpoy, Amungan, Iba, Zambales. Ang napiling benepisyaryo para rito ay ang Amungan Upland Farmers’ Association (AUFA) Ang proyektong ito continue reading : BOGTONG AGOHO DIVERSION DAM, IGINAWAD SA AUFA