MGA NATATANGING MAGSASAKA SA GITNANG LUZON, PINARANGALAN

Ipinagdiwang ng Kagawaran ng Pagsasaka ang Buwan ng Magsasaka at Mangingisda 2023 nitong ika-15 ng Mayo sa DA-Bureau of Soils and Water Management, Convention Hall, Quezon City. Ito ay may temang “Masaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiya” at naglalayong bigyang pugay ang kanilang mahalagang kontribusyon sa seguridad sa pagkain at pang-ekonomiyang pag-unlad ng bansa. Kabilang sa continue reading : MGA NATATANGING MAGSASAKA SA GITNANG LUZON, PINARANGALAN

TurnoverCeremony

#TurnoverCeremony || Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang turnover ceremony ng Rehabilitation ng Bogtong Agoho Diversion Dam ngayong ika-23 ng Mayo sa Sitio Olpoy, Amungan, Iba, Zambales. Ang napiling benepisyaryo para rito ay ang Upland Farmers’ Association. #DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

#AgriCreditForum

#AgriCreditForum || Kasalukuyang nagsasagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng Agri-Credit Forum ngayong araw, ika-18 ng Mayo sa Benigno Hall, Capitol Compound, Pampanga. Sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division, layunin nitong maiugnay ang mga magsasaka at mga asosasyon o kooperatiba sa iba’t ibang financing/loan programs. Sa kabuuan, nasa 50 ang continue reading : #AgriCreditForum

DA 4K, NAGSAGAWA NG MGA PAGSASANAY

Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) sa pangunguna ng Regional 4Ks Program o Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA 4K) at National Commission on Indigenous People (NCIP) Bataan Service Center ng ICCs/IPs Needs Assessment, Technology Training for High Value Crops Production and Market Management Training sa Abucay, Bataan continue reading : DA 4K, NAGSAGAWA NG MGA PAGSASANAY

#PBBMinNuevaEcija ||

Kasalukuyang binibisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang itinayong Agricultural Products Trade and Exhibits sa PhilMech Grounds, Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Tampok sa nasabing aktibidad ang mga sariling ani at gawang produkto ng ating mga minamahal na magsasaka mula sa ikatlong rehiyon. #DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon