Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa ilalim ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED) katuwang ang Rice Banner Program ang turnover ceremony ng Bogtong Agoho Diversion Dam nitong ika-23 ng Mayo sa Sitio Olpoy, Amungan, Iba, Zambales.

Ang napiling benepisyaryo para rito ay ang Amungan Upland Farmers’ Association (AUFA)

Ang proyektong ito ay isinagawa upang magkaroon ng maayos na canal lining at desilting ng existing diversion dam.

Pinangunahan ito nina Engineer I Engr. Louie Angelo Moran, Project Assistant John Karlo Calara, Municipal Mayor Irenea Maniquiz – Binan, OIC- Provincial Agriculturist Crisostomo Rabaca, Municipal Agriculturist Joey Alvior, Representative of the Governor Albert Aquino, Barangay Captain Richard Redondo, Municipal Agricultural and Fishery Council Carlos Trinidad at Chairperson ng AUFA Jorge Cabanilla, Sr.

Isang mensahe naman ang ipinaabot ni Engr. Moran para sa mga magsasaka ng AUFA. Aniya, lubos ang kaniyang kasiyahan dahil sa pagpapahalaga ng mga ito sa nasabing proyekto.

“Nakita namin na talagang pinapahalagahan ninyo ‘yung proyekto na mula sa Department of Agriculture at salamat din sa tulong ni Mayor at ni Provincial Agriculturist na nakaalalay para maipadala namin sa inyo ‘yung proyekto,” wika niya.

Pasasalamat naman ang hatid ni Cabanilla para sa mga taong sumuporta at tumulong sa kanila. Kwento pa niya, siguradong mas magkakaroon sila ng mataas na ani at kita sa tulong ng proyekto.

“Salamat sa suporta ng ating Governor at s’yempre ng ating mabait na mayora at sa pamunuan ng Department of Agriculture. Sa mga kasama ko na magsasaka, mas madadagdagan na ang ating ani at madadagdagan ang ating kita,” aniya.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon