Matagumpay na naisagawa ang Presentation of Central Luzon F2C2 Pilot Cluster CDP sa pangunguna ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) na ginanap sa Terrace Hotel, Subic, Zambales noong ika-2 hanggang ika-6 ng Setyembre.

Ang layunin ng aktibidad na ito ay bigyan ang dalawampu’t walong (28) pilot cluster ng F2C2 Program ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga Cluster Development Program (CDP) sa iba’t ibang operating units kabilang ang AMAD, PRDP, Banner Programs, at iba pang locally-funded Projects ng Department of Agriculture – Regional Field Office III (DA RFO III) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa pag-target sa FY 2026 Plan and Budget Proposal.

Bukod pa rito, layunin din ng workshop na ihanda ang mga kalahok na bumuo ng mga komprehensibong plano sa negosyo sa pamamagitan ng hands-on na pagsasanay sa pagpino ng mga modelo ng negosyo gamit ang Business Model Canvas (BMC).

Samantala, nagbibigay ng oryentasyon ang ahensya kung paano mag-aplay para sa Civil Society Organization Accreditation, proseso ng pag-avail ng mga makinarya at kagamitang pang-agrikultura, at pag-avail ng mga programa sa pagpapautang ng gobyerno pati na rin ang paglalapat ng Good Agricultural Practices. Kabilang rin sa layunin ng aktibidad na ito na makamit ang economies of scale, mas mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng mga prodyuser at merkado, magtatag ng mas mahusay na akses sa credit at financing, at itaas ang kabuuang produktibidad ng sektor ng agrikuktura.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong