Kinilala si Agrifina Gabres mula sa Aurora bilang Outstanding Rural Women Finalists sa naganap na pagdiriwang sa 2023 World Food Day noong ika-16 ng Oktubre.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Agrikultura, ito ay ginanap sa Liwasang Aurora Stage, QC Memorial Circle, Diliman, Quezon City.

Ang paghahanap ng Department of Agriculture (DA) para sa mga Natatanging Kababaihan sa Kanayunan ay isang taunang pagkilala sa mga kababaihang taga-bukid na nagpakita ng kahusayan sa kanilang mga gawaing pang-agrikultura at pangisdaan.

Layunin nitong magbigay-daan para sa mga natatanging kuwento ng tagumpay na nagsilbing inspirasyon para sa iba.

Samantala, ipinanganak si Gabres sa Maria Aurora, Aurora mula sa mapagkumbabang pamilya.

Nagsimula siyang magtanim sa isang maliit na bukid at sa pamamagitan ng sipag at determinasyon, lumago ito mula sa isang maliit na palaisdaan patungong isang malaking agrikultura.

Sa kabila ng mga pagsubok, napatunayan ni Agrifina na ang pagsasaka ay hindi hadlang para sa kababaihan. Nakamit niya ang tagumpay sa pamamagitan ng kaniyang kahusayan sa agrikultura at tulong mula sa Department of Agriculture.

Kasama ng kaniyang asawa, patuloy niyang pinapalaganap ang kaniyang kaalaman at tumutulong sa kapwa magsasaka.

Ang kuwento ni Agrifina ay patunay na ang pagsasaka ay isang landas ng pag-asa at tagumpay, at sa tamang determinasyon, diskarte, at pagmamahal sa agrikultura, maaabot ang tagumpay.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

(Photos by DA-AFID)