Pinangunahan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ang Proposed Amendments para sa Memorandum of Agreement ng Onion Cold Storage Facility para sa rehiyon. Nitong Ika-21 ng Hunyo sa RFO III Training Room, Brgy. Maimpis Ng San Fernando City of Pampanga.
Dinaluhan ito ni Assistant Secretary for Logistics Daniel Alfonso N. Atayde at iba pang kawani ng Kagawaran.
Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga iminumungkahing pagbabago sa Memorandum of Agreement para sa Onion Cold Storage Facilities sa rehiyon.
Sa pangunguna ni Project Development Officer IV, National HVCDP Atty. Joycel R. Panlilio, ibinahagi ang presentasyon ng Existing MOA For Onion Cold Storage Facilities. Natalakay sa pagpupulong ang Article III Roles and Responsibilities of the Parties.
Napagkasunduan na kapag hindi ginagamit ng maayos ang storage facilities ay maaaring bawiin ito ng kagawaran at posibleng mailipat sa ibang kwalipikadong FCA na siya namang napagkasunduan at pinayagan ng mga tumanggap ng nasabing pasilidad. (5th paragraph)
Inaasahan mula sa pagpupulong na ito ay magreresulta sa pagkakaroon ng magandang supply ng sibuyas at ma account ng maayos ang stock inventory ng bawat cold storage facility sa rehiyon.