Pinaigting ng Department of Agriculture Regional Field Office III ang kanilang pagsisikap na maiangat ang kabuhayan ng mga Katutubong Pilipino (IPs) at Indigenous Cultural Communities (ICCs) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program.
Batay sa inisyatibo ng Republic Act 8371, o Indigenous Peoples Rights Act of 1997 (IPRA Law), na naglalayong maibsan ang kahirapan sa hanay ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang mga lupaing ninuno gamit ang mga produktibo at napapanatiling gawain.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa ang 4K-National Program Management Office (4K-NPMO) ng talakayan at pagtatasa hinggil sa Signature Commodity in the Ancestral Domain (SCAD) sa Katutubong Burog Indigenous People Agricultural Cooperative (KBIPAC) sa San Vicente, Bamban, Tarlac, katuwang ang iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), DA- Agricultural Training Institute (DA-ATI), Department of Science and Technology (DOST), DA- Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-AMAD), Office of the Provincial Agriculture (OPA Tarlac), Municipal Agriculture Office (MAO Bamban, Tarlac), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Bamban, Tarlac) at National Commission on Indigenous People (NCIP). Ito ay ginanap noong ika-8 ng Septyembre, 2025 sa Lungsod ng Clark, Pampanga at layong suriin ang mga naging progreso matapos ang pamamahagi ng mga input at teknolohiyang pang-agrikultura sa mga pamayanang katutubo.
Bukod sa pagsusuri ng resulta, layon din ng aktibidad na higit pang mapalawak ang akses sa merkado ng mga katutubo, upang masiguro na ang kanilang mga ani at produkto mula sa lupaing ninuno at makarating sa mas malawak na pamilihan.
Dagdag pa rito, nagsagawa rin DA-4K-NPMO ng isang Sub-Monitoring Project at Site Validation upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga katutubo at masukat ang kanilang Level of Development (LOD).
Isa sa mga binisitang samahan ay ang Samahang Katutubo Cadmang Farmers Association sa Cabangan, Zambales. Ang Sub-Monitoring Project at Site Validation na ito ay pinangunahan ng NPMO officials at katuwang ang RPMO, NCIP, Provincial at Municipal Agriculture Offices ang aktibidad, na naglalayong higit pang suportahan at paigtingin ang tulong sa mga kababayang katutubo.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong











