Ipinagdiwang ng Kagawaran ng Pagsasaka sa pamamagitan ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) ang 24th Founding Anniversary nitong ika-5 ng Disyembre sa BPI Compound, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City.

Pinangunahan ito nina Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform Senator Cynthia Villar, BAFS Director Vivencio Mamaril at Assistant Secretary James Layug.

Ito ay naglalayong magkaroon ng ligtas na suplay ng pagkain na abot-kaya ng lahat. Bukod pa roon, naging katuwang naman ng mga magsasaka ng Gitnang Luzon sa pagtitinda ng kanilang mga produkto sina DA RFO III personnel Roel Rubion, Corazon Aquino, Christian Canlas, Lester Bernales at Menchie Yabut. Ito ay sa pangunguna ni Good Agricultural Practices (GAP) Focal Person Marilyn Velarde ng Regulatory Division.

Ilan sa produktong kanilang ibinenta ay ang Pinya, Red Rice at Black Rice. Samantala, ang Layug Farms ay ibinida ang kanilang Shallot Onion. Papaya at Blue Ternate naman ang produktong hatid ng Imelda Farms. Kabilang din ang Tublay Organic Farming Practitioners Agriculture Cooperative (TOFPAC), Palayen Farm, Farmlab Agricultural Farm, Pedro Farms, Yakap at Halik MPC, Abundance Farm, Paraiso Del Valor, Polangui Organic Kalamay Muscovado Producers and Farmer’s Association Inc. sa mga organik at GAP-certified exhibitors na lumahok sa aktibidad.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon