Bilang parte ng selebrasyon ng National Livestock Month, nagsagawa ang Department of Agriculture Bureau of Animal Industry sa pamamagitan ng kanilang National African Swine Fever (ASF) Prevention and Control Program ng ASF Information Caravan sa Brgy. San Lorenzo, Mexico, Pampanga nitong Oktubre 12.
Katuwang din ang Municipal Agriculture Office ng naturang bayan at Pampanga Provincial Veterinary Office, dinaluhan ng nasa 50 na animal raisers ang pagpupulong na pinamagatang “May Magagawa Ako!”Tinalakay ng mga tagapagsalita ang mga sumusunod: 1. Lokal ASF Updates2. Mga Madalas Itanong sa ASF3.
Biosecurity para sa mga Hog Raisers4. Registration tor PCIC InsurancePinuri naman ng BAI ang bayan ng Mexico dahil ito umano ang kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Pampanga na na-upgrade mula red to pink zone. Sa pagtatapos ng program ay nagkaroon ng open forum para sa mga dumalo at dito sila nagkaroon ng mas malalim na kalinawan ukol sa ASF. Magaganap din ang mga ibang ASF Information Caravan sa Rehiyon 5 (Oktubre 17-21) at Rehiyon 6 (Oktubre 24-29).