Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka ng pangatlong araw ng Assessment ng DA Intervention at Monitoring ng Area Production nitong ika- 22 ng Pebrero sa tatlong munisipyo ng Pampanga kabilang ang Bacolor, Arayat at Magalang.
Ito ay sa pangunguna pa rin ng Office of the Secretary sa ilalim nina Project Evaluation IV Julito Velasco, Project Development Officer Roberto Villa, Project Evaluation IV Dante Fidel at Executive Assistant Loreto Panganiban.
Bumisita rin ang monitoring team kay OIC- Provincial Agriculturist Jimmy Manliclic bago magtungo sa cold storage facility ng Ventorillo Management Corporation at sa mga magsasaka ng sibuyas.
Ang monitoring team ay binuo muli ng mga representante mula Bureau of Plant Industry sa pangunguna nina Agricultural Technician I Martin Alberto, Agriculturist I Arnil Alleluya at Biologist I Audley Tuazon.
Sa grupo naman ng Agricultural Credit Policy Council, ito ay pinangunahan nina Director Cristina Lopez, Project Development Officer II Ronnel Olicia at Project Assistant I Sharmaine Atendido.
Samantala, para naman sa High Value Crops Development Program (HVCDP) Central Office ay sina Project Development Officer IV Jose Jeffrey Rodriguez, Project Development Officer IV Arnold Timoteo at Project Development Officer II Geronimo Dela Cruz.
Mula naman sa HVCDP ng Gitnang Luzon, nilahukan ito nina Regional HVCDP Focal Person Engr. AB David, Regional HVCDP Report Officer Christine Joy Corpuz at Agricultural Technician II Engr. Mark Adrian Ocampo.
Nakapanayam ng monitoring team ang magsisibuyas na sina Fidel Dumas mula Bacolor, Rustico Bondoc mula Magalang at Jerry Guese mula Arayat. Ang bawat isa sa kanila ay tinanong patungkol sa kanilang tanim na sibuyas.
Ito ay naging posible rin sa tulong nina Arayat Municipal Agriculturist Rodel Lising, Bacolor Muncipal Agriculturist Janette Wong at Magalang Municipal Agriculturist Royce Lising.