Pinagunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) William Dar at Central Luzon State University (CLSU) President Edgar Orden ang paglalagda ng Memorandum of Agreement sa pagtatayo ng National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) Biotechnology Center nitong ika-25 ng Marso sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Freshwater Fisheries Technology Center (BFAR-NFFTC) Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Ang Fisheries Biotechnology Center (FBC) ay itatayo sa pitong ektaryang lupang sakop ng CLSU Compound na pangungunahan ng NFRDI bilang ito ang pangunahing lugar sa pananaliklsik ng BFAR para sa operasyon, pagpapanatili, at implementasyon ng mga proyekto at programang isasagawa ng dito ng makakatulong sa pagbuo ng mga siyentipikong kaalaman at teknolohiyang makakatulong sa mangingisda at pangingisda.Sa ngayon, ang FBC na ang pangatlong biotechnology center na naitayo sa Muñoz kasama ang Livestock Biotechnology Center sa ilalim ng operasyon ng Philippine Carabao Center (PCC) at Crops Biotechnology Center na pinapatakbo naman ng Philippine Rice Research Institute.
Ayon kay Kalihim Dar, ang FBC ay magbibigay ng mas maraming oportunidad upang matulungan ang sektor ng pangisdaan sa pamamagitan ng mga pasilidad sa pananaliksik nito.
Malaki din aniya ang tulong ng biotechnology para makatulong sa problema ng pabago-bagong klima at makagawa ng mga nais na disenyo ng produkto para mapataas pa ang ani at kita ng mangingisda.“These three centers will not compete with each other.
There will be co-implementation and if hindi pa natin makayanan separately ang mga state-of-the-art equipment, we have to share facilities and equipment. ‘Yun ang kagandahan mas lalo na kung kayo ay palaging nandoon sa ‘OneDA’ family framework,” sambit ng kalihim.
Sa mensahe naman ng CLSU President Edgar Orden ay matutulungan ng FBC upang mapa-unlad pa ang kakayahan ng kanilang mga mananaliksik lalu na ang unibersidad dahil magagamit ito ng mga estudyante bilang lugar ng pagsasanay nang sa gayon ay mapataas ang kalidad ng mga nagtatapos at maging mapagkompitensya sa paghahanap ng trabaho.