Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ng isang pagsasanay ukol sa tamang proseso at produksyon ng kakaw para sa mga piling kakaw growers ng Gitnang Luzon sa Ephata Development Center, SACOP Grounds, City of San Fernando, Pampanga. Dinaluhan ito nina Regional HVCDP Focal Person Engr. AB P. David, Cacao Expert ng DA Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization Engr. Andres Tuates, Regional HVCDP Report Officer Christine Joy Corpuz, Agriculturist II Zayra Toledo at Agriculturist Technician II Michelle Terrenal.

Tinalakay ni Toledo ang tungkol sa RA 9710 o ang Magna Carta of Women. Nagbigay rin siya ng ilang paalala ukol dito. “Lahat po tayo ay pasok sa Magna Carta of Women. Halimbawa po ay ang mga OFWs, indigenous people, moro, children, senior citizens at solo parents. Itong Magna Carta of Women din po ay naka-mainstream na sa programs and projects ng kagawaran at hindi lang po ito sa para sa DA pati po sa lahat ng agency sa buong Pilipinas maging sa barangay ay kasama po ito,” wika nito.

Ibinahagi naman ni Tuates ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa proseso ng fermentation ng kakaw. Kabilang dito ang ripeness, variety, turning, pest and diseases, climate and season, duration at quantity. “Ito po ‘yung mga factors na nakakaapekto sa fermentation, una ay ang ripeness dapat ang ipe-ferment po natin ay nasa 75% and above degree of ripeness. Sa variety ang kadalasang ginagamit ay ‘yung trinitario kasi mataas ang kaniyang yield. Sa turning, ito ay depende sa buyer, iyong ibang buyer ang turning nila ay daily at iyong iba every two days.

Sa pest and diseases, kung walang sakit ‘yung mga pods mas maganda ‘yung quality ng fermented juice. Sa climate and season, ang fermentation indicator natin sa ngayon ay kung umiinit ba ito kasi kung hindi ito umiinit may problema po tayo sa fermentation. Sa duration, mga 5-6 po iyan at sa quantity mas maraming ipe-ferment mas maganda ‘yung quality ng beans kasi dapat ma-reach natin ‘yung 45° C to 50,” saad nito.

Sa huling bahagi ng diskusyon, binigyang-diin ni Tuates na isa umano ang roasting, hulling at grinding sa proseso ng paggawa ng tablea. “Sa proseso po na ito, ang roasting, hulling at grinding ay expose sa mataas na temperatura at sa bahagi ng grinding nagtutubig siya at ang tawag nila roon ay liquor, so pag mainit yan ibig sabihin nasusunog, so dapat i-grind hindi lusawin kasi kung nalusaw iyan may intervention ng temperature,” aniya.

#DACentralLuzonKatuwangSaPagAhon+29