Nagsagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng “Training on Plant Nursery” mula Marso 11-12, 2024 sa DA-CLIARC-LD, Brgy. Paraiso, Tarlac City, Tarlac.
Ang naturang training ay dinaluhan ng mga iba’t-iba magsasaka ng sweet potato at cassava mula sa walong munisipalidad ng Tarlac.
Sa mensahe ni Regional Chief ng National Seed Quality Control Services na si Josephine Reyes kanyang binahagi ang kahalagahan ng cassava at sweet potato bilang mga high values crops sa rehiyon.
Naibahagi din ni Reyes ang importansya ng cassava at sweet potato ang mga handog na benepisyo ng mga ito para sa mga magsasaka and sa mga consumers.
Ang mga dumalo ay nabigyan ding ng oportunidad na bisitahin ang Tissue Culture Laboratory sa pangunguna ni Sopila Pacsay na nagbigay ng konting kaalaman ukol sa nasabing laboratoryo.
Samantala, nagsilbi bilang resource speakers sina Danica Leah Corpuz, Reshel Deytiquez at Maricar Alvarado mula Bureau of Plant Industry at si Roel Rubion, Agriculturist II ng Kagawaran. Dumalo rin ang Regulatory Division Chief Dr. Xandre Baccay at ang Supervising Agriculturist ng Regulatory Division na si Marilyn Velarde.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon