Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng ahensya sa mga emergency at kalamidad, nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ng Disaster Preparedness Orientation ngayong araw, Hunyo 11, 2026, sa Training Hall ng tanggapan sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Dinaluhan ng mga kawani mula sa iba’t ibang dibisyon ng DA RFO 3 ang nasabing aktibidad na pinangunahan ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Layunin nitong mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga empleyado sa tamang pagtugon sa mga sakunang maaaring maranasan sa lugar ng trabaho.
Tinalakay sa orientation ang iba’t ibang paksa kabilang ang Disaster in the Philippine Context, Preparing for Earthquake, at Fire Safety and Prevention.
Nagbigay rin ng mga mahahalagang impormasyon ang mga resource persons hinggil sa mga panganib na dulot ng mga kalamidad at mga wastong hakbang upang mabawasan ang pinsala at mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
Isinagawa ang aktibidad bilang suporta sa patuloy na pagsisikap ng DA RFO III na palakasin ang Emergency Preparedness and Response Mechanisms ng ahensya, alinsunod sa mga inisyatiba nito para sa ISO readiness at pagpapanatili ng ligtas at matatag na lugar ng trabaho.
Kaugnay nito, magsasagawa rin ang DA RFO 3 ng Fire and Earthquake Drill sa Hunyo 16, 2026 sa Diosdado Macapagal Government Center (DMGC), Brgy. Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong


