Upang higit na mapalakas ang pagsusulong ng gender equality at inclusivity sa sektor ng agrikultura, isinagawa ng Department of Agriculture – Regional Field Office III (DA-RFO 3) sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Focal Point System ang isang Gender Sensitivity Training (GST) noong Agosto 27–28, 2025 sa DA RFO 3 Training Hall, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.


Pinangunahan ni Dr. Milagros Mananggit, GAD Focal Person, ang pagbibigay ng welcome remarks at inspirational message. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagbubukas ng kaisipan upang makamit ang mas makatarungan at pantay na lipunan, hindi lamang sa loob ng ahensya kundi maging sa mas malawak na komunidad ng mga magsasaka at mangingisda.
Nagsilbing pangunahing tagapagsalita si Ms. Sherryl Balatbat, isang lisensyadong Social Worker, na tinalakay ang mga paksa gaya ng: Value and Reflection, Sex and Gender, Sex and Gender Role, Sex and Gender Stereotypes, Five Finger Talk, SOGIESC, Gender Fair Language, Vision of Gender Fair Society, at Visioning and Commitment Setting.


Ang mga diskusyon ay nagbigay-linaw sa mga konseptong may kinalaman sa kasarian at tumutok sa pagbuwag ng mga stereotypes at diskriminasyon.


Sa kanyang closing message, ipinaabot ni Ms. Elma Mananes, GAD Alternate Focal Person, ang pasasalamat sa lahat ng kalahok at kanyang binigyang-diin ang patuloy na pangangailangan ng pagkilos at pakikiisa upang maisulong ang GAD advocacy ng ahensya.


#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong