DA RFO 3 nagsagawa ng seminar tungkol sa mental health


Pinangunahan ng DA RFO 3 GAD Focal Point System ang seminar na “Mental Health, Positivity and Wellness” via zoom at FB live streaming noong ika-30 ng Hunyo.


Layunin ng seminar na ito na talakayin ang pag-aalaga ng mental health ng mga kalahok lalo na sa panahon ng pandemya.


Nagkaroon ito ng dalawang session; Session 1: Developing positive attitude at workplace at Session 2: Mental Health. Mayroon itong halos 25 kalahok sa zoom at nakasubaybay naman ang nakararami sa FB live streaming.


Si Ma. Magdalena Clemente Galang, Associate Professor III sa Central Luzon State University ang nagsilbing tagapagsalita ng nasabing seminar.

View Photo Gallery