Nakibahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO 3) sa programang “LAB FOR ALL” noong ika-15 ng Hulyo, taong 2025 sa Baler, Aurora 

Ang programang “LAB FOR ALL” ay inilunsad ni First Lady Atty. Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos upang makapagbigay ng libreng laboratory services, medikal na konsultasyon, at gamot para sa publiko. Layunin ng inisyatibong ito na tiyaking maaabot ng bawat mamamayan, saan mang bahagi ng bansa, ang mga serbisyong pangkalusugan.

Bilang suporta mula sa kagawaran, ito ay dinaluhan ni DA Undersecretary for Livestock Constante J. Palabrica, Regional Technical Director for Operations and AMAD Arthur D. Dayrit PhD, Field Operations Division Chief, Elma S. Mananes, Livestock Banner Program Focal Person, Gil David, Rice Banner Program Focal Person, Lowell Rebellaco PhD,  APCO Zenaida Castaneda at ilang kawani mula sa Philippine Carabao Center. 

Nakibahagi sa programang LAB FOR ALL ang DA-RFO 3 kung saan nagpamahagi ang bawat banner program ng iba’t ibang mga seeds, gatas ng kalabaw, at mga knowledge materials na makatutulong sa mga magsasaka sa lalawigan ng Aurora. 

Bukod sa DA, katuwang din sa programang LAB FOR ALL ang ilang ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). 

#BagongPilipinas 

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong