DA RFO 3-RAFC nakatanggap ng iba’t ibang parangal
Lungsod ng San Fernando, Pampanga – Iginawad sa Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon katuwang ang Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) ang iba’t ibang parangal mula sa isinagawang selebrasyon ng 6th National Agriculture and Fisheries Volunteers’ Day sa Greene Manor Hotel ngayong araw.
Layunin nito ang magbigay ng pagkilala at pagpupugay sa mga magigiting na magsasaka at mangingisda na kabilang sa Agricultural and Fishery Council (AFC) na tumutulong sa pagsulong ng kaunlaran ng agrikultura.
Sa temang “AFC: Boluntaryong Naglilingkod; Kaagapay ng Agrikultura at Pangisdaan sa Gitna ng Pandemya,” pinangunahan nina OIC-Regional Director Crispulo Bautista, Planning, Monitoring & Evaluation Division (PMED) Chief Arthur Dayrit at RAFC Chairman Engr. Francisco Hernandez ang nasabing virtual celebration.
Naniniwala si Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) Director Liza Battad na ang kooperasyon, bolunterismo at pakikipagtulungan ng lahat ang magiging susi sa pagsibol ng sektor ng pagsasaka at pangingisda.
“We are continuously expanding our network of stakeholders especially those from the private sector. This year is a proof that even in pandemic, you cannot be stop in providing spirit and demonstrating the true meaning of giving and volunteerism,” dagdag niya.
Binigyan ng pagkilala ni Agriculture Secretary William Dar ang mga kontribusyon at tulong ng mga AFC ngayong panahon ng pandemya.
“This event will also inspire the private sectors, volunteers, and partners to continue their support and dedication as volunteers. This event also aims to give recognition to the leaders and coordinators who are creative enough to honor their commitment as partners of the Department of Agriculture despite the restriction and risks,” saad ni Kalihim Dar.
Narito ang mga natanggap na parangal:
National Awards
1. Most Number of Civil Society Organization (CSO) Accredited
2. Most Number of Agricultural and Fishery Council (AFC) Recruited
Special Award
1. Trouble Shooter Award
Most Strategic Consultation Awards
1. Provincial – Bulacan
2. Municipal – Municipality of Sasmuan, Pampanga
Isang pagpupugay at pagbati sa mga nanalo!