Namahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) ng Baka sa Nagsabaran- Casipo Livestock Raiser Association.

Sa ilalim ng SAAD Phase 2, natanggap ng grupo ang nasa 17 heads ng baka noong ika-26 ng Pebrero sa San Clemente, Tarlac.

Sa naging pahayag ni Elpidio Rico, Chairperson ng grupo, labis ang tuwa nila sa kanilang mga natatanggap mula sa ahensiya.

“Bagong simula ito para sa amin at buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng miyembro ng SAAD sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa aming mga magsasaka,” dagdag pa niya.

Pinangunahan ang aktibidad ni Operational Planning, Budget, Monitoring, and Evaluation (OPBME) Lead Dr. Ricky Manguerra kasama sina Associate Project Officer II Ariel De Guzman, Area Coordinator ng San Clemente Jimmy Rowell Sombilla, Dr. Lorna Baculanta ng Tarlac Provincial Veterinary Office (PVO), at Municipal Agriculturist Delia Felix.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong