DA3 AMAD, nagsagawa ng mobile pantry at market matching sa Bulacan
Ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ay nagsagawa ng KADIWA ANI AT KITA share mo community pantry at market matching ngayong araw (Hunyo 22) sa San Jose del Monte (SJDM) City Jail, Bulacan.
Natulungan sa mobile pantry ang 92 persons deprived of liberty (PDL) at tinatayang nasa 1.1MT gulay tagalog kabilang dito ang talong, ampalaya, upo, at kalabasa na galing sa Sanchez Farm mula San Ildefonso, Bulacan.
Sa tulong din ng kagawaran sa pamamagitan ni Menchie Nogoy ng AMAD, nai-linked ang Sanchez Farm sa SJDM City Jail upang makapagbenta ng kanilang mga aning gulay sa mas murang halaga.
Malaking pasasalamat naman nina JO1 Bryan Gattoc, JO2 NiƱa Merano at kanilang mga kasamahang mga opisyales sa SJDM City Jail sa libreng kaloob na gulay ng kagawaran dahil magagamit na nila ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Nagbabalak na rin silang direktang bumili ng mga gulay sa mga magsasaka ng Bulacan sa kanilang mga susunod na pamimili upang makakuha ng mas mura at mas sariwang mga produkto.
Samantala, ayon kay Nogoy ay patuloy parin ang pag arangkada ng KADIWA ni Ani at Kita sa Gitnang Luzon at pagli-link sa mga magsasaka ng mga potential buyers ng kanilang mga produkto upang matulungan sa pagkakaroon ng mas malaking kita.