DARFO3 nagsagawa ng Orientation kaugnay sa Mandas – Garcia Ruling sa Nueva Ecija
July 14, 2021 – Nagsagawa ang Kagawaran ng Agrikultura ng Orientation tungkol sa ONE DA Approach, Mandanas – Garcia Supreme Court Ruling, Food Security at Province-led Agriculture and Fisheries Extension Systems o PAFES Implementation sa mga Agriculture and Fishery Council o AFCs ng Nueva Ecija na naganap sa Nueva Ecija Fruits and Vegetable Seed Center, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Ipatutupad ang Mandanas – Garcia Supreme Court Ruling sa darating na 2022 na kung saan ang mga Local Government Unit o LGUs ang direktang mamamahala sa bahagi ng pondong mula sa National Government upang matugunan ang mga proyektong lokal at mga programa.
Maliban sa Mandanas – Garcia Rulling, binigyan diin din ni OIC-Regional Technical Director for Research, Regulatory, and Integrated Laboratories Dr. Arthur D. Dayrit na mahalaga ang tungkulin ng AFCs sa PAFES upang maisulong ang pagpapataas at pagpapaunlad ng agrikultura.
Dagdag pa ni Dr. Dayrit, inaanyayahan niyang makilahok ang mga AFC’s, Municipal Agriculturist at Provincial Agriculturist sa budget planning ng mga LGUs upang masiguro na makatatanggap ng dagdag pondo ang office of provincial and municipal agriculture at upang masiguro na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka ng Nueva Ecija.
Nagsagawa rin ng orientation kaugnay sa Mandanas – Garcia Ruling noong ika-7 ng Hulyo sa Malolos, Bulacan na kasama sa pilot provinces sa pagpapatupad ng PAFES.