|| Isang pagtitipon ang isinagawa ng Kagawaran Pagsasaka ng Gitnang Luzon katuwang ang Office of Provincial Agriculture ng Bataan kahapon, ika-23 ng Marso sa Crown Royale Hotel, Balanga City, Bataan.

Nilahukan ito ng mga magsasaka na miyembro ng Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan. Layunin ng aktibidad na magbigay impormasyon sa mga bagong proyekto at programa ng gobyerno.

Ilan sa mga tinalakay ang patungkol sa Rice Program, High Value Crops Development Program, ABE Program/Project, Fisheries Program at Financing Program.

#OneDA#DACentralLuzon