Matagumpay na naisagawa ang FY 2026 Agriculture and Fishery Regulatory Support Program (AFRSP) Plan and Budget Proposal (PBP) Preparation Workshop and Orientation on Functional Clusters sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) Regulatory Division na ginanap noong ika-5 hanggang ika-7 ng Enero taong 2025 sa Hacienda Gracia, Lubao, Pampanga.

Sa pamamagitan ng pagdaraos ng workshop na ito, ang DA AFRSP Unit ay naglalayong mapabuti ang pagpapatakbo ng mga serbisyo sa agrikultura at pangisdaan, at mapataas ang efisiyensi ng mga serbisyo ng Kagawaran.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng detalyadong pag-orientasyon sa mga gabay na itinakda ng DA Planning and Monitoring Service – Plans and Program Division (PMS-PPD) sa paghahanda ng FY 2026 DA PBP, na may kaugnayan sa pagbuo ng FY 2026 National Expenditure Program (NEP), na siyang basehan para sa pagpasa ng FY 2026 General Appropriations Act (GAA).

Ito ay upang matiyak na ang mga panukala ay sumusunod sa mga pambansang prayoridad, estratehikong direksyon ng kasalukuyang administrasyon, mga kaugnay na batas sa agrikultura at pangisdaan, at mga prayoridad sa badyet.

Ang workshop ay naglalayong mapabuti ang kakayahan ng mga Operating Units (Ous), attached agencies, at mga korporasyon sa ilalim ng Regulatory Cluster na maghanda ng mga PBP na, sumusunod sa mga alituntunin, at estratehikong na nakalinya.

Sa pagtatapos ng aktibidad na ito ay inaasahan na ang mga kalahok ay magkakaroon ng malinaw at komprehensibong pag-unawa sa mga Internal Guidelines para sa paghahanda ng FY 2026 PBP, ayon sa mga gabay na itinakda ng PMS-PPD.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong