Sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA) – Planning Monitoring and Evaluation Division (PMED) ay matagumpay na naisagawa ang Presentation of FY 2026 Plan and Budget Proposal to Civil Society Organization (CSOs), stakeholder and private sector representatives noong ika-13 ng Pebrero taong 2025 sa Angeles City, Pampanga.

Ang nasabing aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga lokal na CSOs at iba pang mga stakeholders na makilahok sa mga desisyong may kinalaman sa agrikultura at pag-unlad katuwang ang Department of Budget and Management (DBM), Department of National Economic and Development Authorities (NEDA), Agri-fishery Council, at iba pang mga stakeholders.

Dagdag pa rito ay layunin din nitong makalikom ng mga inputs, magkonsolida ng mga suhestiyon, at mag-update ng iba’t ibang mga priyoridad na interbensyon upang makamit ang mga nais na resulta ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Upang matiyak ang komprehensibong pag-evaluate, ay nagkaroon ng presentasyon si PMED Chief, Noli C. Sambo ng mga programa at proyekto para sa FY 2026 PBP at talakayin ang mga priyoridad na programa, proyekto na makatutulong upang makamit ang seguridad sa pagkain at mapataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Nagkaroon rin ng open forum kung saan ay nagbahagi ang mga kalahok ng kanilang ideya, karanasan, mga katanungan at rekomendasyon upang magkaroon ng klarong pag-unaawa at pagkakaisa sa mga isyu at mabigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nakonsulta ang iba’t ibang CSOs para sa FY 2026 Plan and Budget Proposal ng Kagawaran ng Pagsasaka at Pangisdaan upang mapagtibay ang mga prayoridad na ayuda at masiguro ang pangangalaga ng bawat magsasaka sa Gitnang Luzon.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Regional Technical Director for Operations Dr. Athur D. Dayrit, Ph.D, Regional Technical Director for Research, Regulations and Integrated Laboratory Services Dr. Irene M. Adion, Regional Technical Director for Special Cooncerns Juanito C. Dela Cruz, Field Operations Division Chief Ms. Elma S. Mananes, Integrated Laboratories Division Chief Dr. Milagros R. Mangangit, Planning, Monitoring & Evaluation Division Chief, Mr. Noli C. Sambo, Regional Agricultural Engineering Division Chief, Engr. Elmer F. Tubig, , Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief, Ms. Carmencita S. Nogoy, Planning and Programming Section Chief Ms. Lordelyn S. Dela Cruz, at Rice Focal Person, Dr. Lowell D. Rebellaco.

#BagongPilipinas

#DasaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong