Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office III (DA-RFO III), sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP), ang FY 2026 Lowland Vegetable Technology Demonstration Culmination Activity and Awarding Ceremony noong Agosto 27, 2026, sa Training Room, DA-RFO III, Brgy. Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

Nagsilbing pagtatapos ng aktibidad ang FY 2026 Lowland Vegetable Technology Demonstration na isinagawa mula Abril hanggang Agosto 2026 sa Brgy. Apulid, Paniqui, Tarlac. Tampok sa programa ang paglalahad ng mga resulta at output ng techno-demo, gayundin ang pagkilala at pagpaparangal sa mga pribadong kumpanyang naging katuwang sa pagpapatupad nito.

Sa kanyang panimulang mensahe, binigyang-diin ni Mr. Yuan Ching-Peng, Senior Specialist ng Taiwan Technical Mission, ang kahalagahan ng pagpapalago ng mga de-kalidad na punla ng iba’t ibang barayti ng gulay na may kakayahang makayanan ang matinding init at pagbaha. Aniya, naging mahalagang pagkakataon ang techno-demo upang maipakita at matutuhan ang mga angkop na teknolohiya at pamamaraan para sa mabilis na pagbangon at pagpapatuloy ng produksyon sa harap ng pabagu-bagong kondisyon ng panahon.

Nagpaabot naman ng inspirational message si Mr. Marlon Gamboa, representative ng Mananaman Tamu Farmers Association, mula sa Brgy. Apulid, Paniqui, Tarlac. Binigyang-diin niya na ang aktibidad ay pagkilala sa sipag, tiyaga, dedikasyon, at tapang ng mga magsasaka at katuwang sa sektor ng agrikultura. Aniya, sa pagsasanib ng kaalaman, makabagong teknolohiya, at determinasyon, mas maraming oportunidad ang maaaring malikha para sa mga magsasaka at komunidad. Binigyang-diin din niya ang patuloy na epekto ng climate change, pagbaha, at iba pang kalamidad sa sektor ng agrikultura, kaya mahalaga ang mga programang nagbibigay ng makabagong kaalaman, teknolohiya, at alternatibong pamamaraan upang mapalakas ang produksyon at katatagan ng mga magsasaka.

Samantala, inilahad ni Engr. AB P. David, National Sagip Saka Program Director at concurrent Regional HVCDP/NUPAP/AFLO Focal Person, ang mga resulta at pangunahing output ng isinagawang technology demonstration.

πŸ† MINOR AWARDS

Best in Crop Establishment
πŸ† Ramgo International Corporation

Best in Crop Growth
(Plant Height vs. Protocol)
πŸ† ATS and Green Seeds, Inc.
πŸ† Ramgo International Corporation
πŸ† Mikai Agri Trading Corporation
πŸ† Allied Botanical Corporation
πŸ† Bon Affaire Trading Inc.

Best in Crop Development
(Number of Days to Flower and to Maturity vs. Protocol)
πŸ† Mikai Agri Trading Corporation
πŸ† Ramgo International Corporation
πŸ† Allied Botanical Corporation

Best in Fruit Physical Characteristics
(Average Fruit Length and Weight vs. Protocol)
πŸ† Ramgo International Corporation
πŸ† Bon Affaire Trading Inc.
πŸ† ATS and Green Seeds, Inc.
πŸ† APO Biofertilizers

Highest Number of Primings
(Total Harvesting Cycles during Production Period)
πŸ† ATS and Green Seeds, Inc.

Third Highest Yield
(Total Yield regardless of Classification)
πŸ₯‰ Bon Affaire Trading Inc.

Second Highest Yield
(Total Yield regardless of Classification)
πŸ₯ˆ ATS and Green Seeds, Inc.

Highest Yield
(Total Yield regardless of Classification)
πŸ† Thaiphil Advance Agritech Corporation

Best in Record/Documentation
πŸ† Bon Affaire Trading Inc.
πŸ† APO Biofertilizers

🌱 SPECIAL AWARDS – HIGHEST MARKETABLE YIELD

πŸ₯’ Bittergourd – Tahlia F1: Mikai Agri Trading Corporation
πŸ† Eggplant – Calixto F1: APO Biofertilizers
πŸ₯’ Bottlegourd – Tambuli: APO Biofertilizers
🌢️ Hot Pepper – Red Hot: APO Biofertilizers
πŸ† Round Eggplant – Naimas F1: Allied Botanical Corporation
πŸ«‘ Green Pepper – Django F1: Bon Affaire Trading Inc.
πŸ«› Pole Sitao – Negro Star: Bon Affaire Trading Inc.
πŸŽƒ Squash – Vannah F1 and Sheba F1: Ramgo International Corporation
πŸ«› Okra – Smooth Green: Ramgo International Corporation
πŸ₯’ Patola – Primera F1: Thaiphil Advance Agritech Corporation
πŸ₯’ Cucumber – Mega C F1: Thaiphil Advance Agritech Corporation
πŸ‰ Watermelon – Class Ka F1 and Black Master F1: ATS and Green Seeds, Inc.

πŸ… MAJOR AWARDS

Ipinagkaloob ang Certificate of Appreciation sa lahat ng kalahok na pribadong kumpanya na nakatanggap ng β€œVery Satisfactory” rating para sa kategoryang Vegetable Varieties Demonstrated/Product Inputs Utilized.

Pinarangalan din si Dr. Leonilo Dela Cruz, General Manager ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative, bilang Key Agricultural Commodity Consolidator ng Department of Agriculture para sa FY 2026 Lowland Vegetable Technology Demonstration na siyang tumulong sa pagconsolidate ng aning gulay upang maibenta sa mas mataas na presyo sa mercado.

Nagpaabot din ng kanilang mensahe at tugon ang mga kinatawan ng Ramgo International Corporation, Mikai Agri Trading, Bon Affaire Trading (BATI) Inc., ATS Infinitrade Solutions OPC with FA Greenseeds, Allied Botanical Corporation, Thaiphil Advance Agritech Corp., EPI Phil, at APO Biofertilizers.

Sa kanyang closing message, binigyang-diin ni Engr. AB P. David na ang tagumpay ng aktibidad ay patunay ng kahalagahan ng matibay na pakikipagtulungan at sama-samang pananagutan para sa kapakanan ng mga magsasaka. Aniya, mahalaga ang papel ng bawat katuwang na sektor upang maihatid ang de-kalidad na serbisyo, teknolohiya, at oportunidad sa mga lokal na magsasaka. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng market access at pinasalamatan ang Golden Beans and Grains Producers Cooperative sa pagtulong sa maliliit na magsasaka na maipagbili ang kanilang mga ani. Hinimok din niya ang mga pribadong kumpanya na patuloy na pagbutihin ang kalidad ng kanilang mga binhi, produkto, at teknolohiya upang makatulong sa pagpapataas ng kita ng mga magsasaka at mahikayat ang kabataan na patuloy na yakapin ang agrikultura.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng DA, pribadong sektor, mga magsasaka, at iba pang stakeholder, layunin ng HVCDP na mapalakas ang produksyon ng gulay, mapahusay ang paggamit ng makabagong teknolohiya, at makatulong sa pagtataguyod ng isang mas matatag at produktibong sektor ng agrikultura sa Gitnang Luzon.

#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong