#GAD || Binisita ng Gender and Development (GAD) ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon ang Provincial Nominee ng Aurora para sa 2023 DA Search for Outstanding Rural Women ngayong araw, ika-13 ng Hunyo.

Parte ng patimpalak ang pagsasagawa ng field validation sa mga kinatawan ng bawat lalawigan.

Unang bibisitahin si Agrifina Gabres ng Bangco, Maria Aurora, Aurora sa pangunguna nina GAD Head Secreatariat Zayra Toledo at Rica Salas.

Kasama ring gumanap bilang validator si GAD Admin Staff Imariole Tayag.

Layunin ng nasabing patimpalak ang magbigay pagkilala sa natatanging kababaihan na nagsilbing inspirasyon at malaki ang naging kontribusyon sa larangan ng agrikultura.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon