Nagsagawa ng seminar ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) tungkol sa Gender and Development (GAD) at Integrated Laboratory Division (ILD) Services noong ika-7 ng Marso.
Ito ay ginanap sa Brick House Gardens, 238 Sitio Laot Buenavista, Sta. Maria, Bulacan.
Pinangunahan ang aktibidad ng ILD at GAD Focal Point System (FPS) sa pamumuno ni Division Chief at GADFPS Focal Person Dr. Milagros Mananggit kasama ang ilang mga resource speakers mula sa DA RFO 3.
Nabigyan diin din ang tungkol sa serbisyo ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, Regional Soils Laboratory, Feed Chemical Analysis Laboratory, at Regional Crop Protection Center.
Karagdagan pa rito, tinalakay rin ang ukol sa kasalukuyang sitwasyon ng rabies program, Antimicrobial Resistance, Rabies as Zoonotic Disease, Food Safety, Biological Control Agents, Rabies in Humans, at maging ang GAD Related Laws at DA Support Services.
Nasa 160 ang lumahok rito na binubuo ng piling mga guro, barangay officials, barangay health workers, at kinatawan mula sa Municipal Agriculture Office at Department of Education.
Dumalo rin sa aktibidad sina Sta. Maria Mayor Omeng Ramos at Vice Mayor Eboy Juan upang iparamdam ang suporta ng lokal na pamahalaan.
Matatandaang ngayong Marso ay ipinagdiriwang ang National Women’s Month at Rabies Awareness Month.
Kaya naman ayon kay Dr. Mananggit, ang seminar na ito ay napapanahon sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon at kaalaman tungkol sa rabies, GAD, at proyekto o programa ng ahensiya.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon
#BagongPilipinas