Nagsagawa ng Ground Breaking Ceremony para sa 20,000 Bags Capacity na Onion Cold Storage sa Barangay Sembrano, Gerona, Tarlac noong ika-18 ng Abril.
Sa patuloy na paglago ng mga lugar ng pagtataniman ng sibuyas at pagpapalawak ng produksyon nito, ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ay nagbigay ng isang yunit ng 20,000 bags Capacity Onion Cold Storage Facility sa Sembrano Climate Resilient Farmers Agriculture Cooperative.
Ang nabanggit na grupo ay pinamumunuan ni Chairperson Leopoldo M. Magday na may 152 mga miyembro na magsasaka at 130 ektaryang lupain na gagamitin para sa produksyon ng pula at dilaw na sibuyas.
Naglalayon ito na suportahan ang mga magsasaka ng sibuyas sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga pasilidad na may sapat at maayos na paraan ng pag-imbak ng kanilang mga produkto, upang maiwasan ang madaling pagkasira at mapanatili ang kalidad ng aanihing sibuyas.
Nagbigay ng mensaheng pasasalamat si Chairperson Magday sa pagkakataong ipignagkaloob sa bayan ng Tarlac.
Isa sa mga dumalo sa okasyon ay si RTD for Operations, Extension, and AMAD Arthur D. Dayrit, Ph.D., na nagtiyak sa mga residente ng Tarlac na patuloy nilang dadalawin ang lugar upang panatilihin at palakasin ang pasilidad upang makatulong sa mas maraming tao.
Sa kasalukuyan, patuloy na nagpapalawak ang lalawigan ng Tarlac sa kanilang produksyon ng sibuyas upang makatulong sa pambansang suplay ng sibuyas.
Kabilang sa mga dumalo sa selebrasyon ang Sembrano Barangay Captain Amir Pascua, Chief, Field Operations Division Elma S. Mananes, Chief, Plant Product Safety Division, BPI William Mugot, at
Gerona Tarlac Municipal Agriculturist Revelyn T. Yadyadoc.