HAPPY 122nd ANNIVERSARY, DA!
Ngayon ang ika-122 taong anibersaryo ng Kagawaran ng Pagsasaka na may temang “Ang Agrikultura ay ang Pag-asa sa Kabila ng Pandemya”.
Sa ating kasaysayan, ang Kagawaran ay nabuo matapos ang ilang araw na deklarasyon ng Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ito ang kauna-unahang ahensiyang itinayo ng dating Pangulong si Emilio Aguinaldo.
Patuloy pa rin ang Kagawaran sa pagtupad ng tungkuling matiyak na may sapat na pagkain at pangangailangan mula sa sector ng agrikultura at pangingisda.
Dagdag pa rito, ang mga magsasaka at mangingisda ay kinikilala bilang tunay na bayani o frontliner na walang sawang nagtatrabaho ngayong panahon ng pandemyang COVID-19.