Idinaos ang Harvest Festival at pagtatapos ng mga magsasakang lumahok sa isinagawang Lowland Vegetable Technology Demonstration and Derby nitong ika-30 ng Hulyo sa Brgy. Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga.
Ang proyekto ay kolaborasyon sa pagitan ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP), High-Value Crops Development Program (HVCDP), at mga pribadong kumpanya ng binhi at pataba.
Layunin nito na mapahusay ang kakayahan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng lowland vegetables gamit ang mga makabagong teknolohiya at pagsasanay.
May kabuuang 4,212 sq.m. area ang tinamnan ng sari-saring gulay tulad ng talong, kamatis, hot pepper, siling panigang, kalabasa, sitao, ampalaya, okra, patola, at upo katuwang ang mga kumpanya ng binhi at pataba. Ang bawat kumpanya at nabigyan ng 702 sq.m. para sa pagtatanim ng mga gulay.
Nasa 38 na magsasaka naman na miyembro ng Farmers Cooperatives and Associations sa Mabalacat City ang binigyan ng pagsasanay sa vegetable production, marketing, record keeping, at financial literacy. Sila ay hinati sa pitong grupo at itinalaga sa isang pribadong kumpanya.
Sa idinaos na Harvest Festival, nagkaroon ng field tour at pag-aani ng sariwang gulay mula sa anim na techno-demo sites. Sinundan ito ng paggawad ng sertipiko sa lahat ng 38 na magsasaka at pitong kumpanya na lumahok sa proyekto.
Bukod dito, nagkaroon din ng pagbibigay ng special awards sa mga kumpanyang nagpakita ng natatanging produksyon para sa iba’t ibang gulay.
Samantala, kinilala naman ang mga sumusunod bilang Top 3 Best Seed/Fertilizer Companies:
Top 1 – ThaiPhil Advance Agritech Corporation
Top 2 – Ramgo International Corporation
Top 3 – Enviro Scope Synergy Corporation and Green Seeds at Allied Botanical Corporation
Sa pagtatapos ng programa, nagkaroon ng ceremonial awarding ng Fertilizer Discount Vouchers at farm machinery para sa mga magsasaka ng Mabalacat City.
Naging bahagi ng matagumpay na programa sina Assistant Secretary for HVCDP Atty. Joycel Panlilio, City Mayor of Mabalacat Hon. Crisostomo C. Garbo, DA RFO III Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., RTD Dr. Arthur D. Dayrit, Regional HVCDP/NUPAP Focal Person Engr. AB P. David, APCO Gil David, RAFC Chairperson Onesimo Romano, Provincial NUPAP Coordinator Engr. Rommel Baterina, RAFIS Chief Ozanne Ono D. Ocampo, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong