Kasalukuyang isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO III) ang Table Evaluation na may kaugnayan sa High Value Crops Achievers’ Award ngayong araw ika-13 ng Setyembre, sa DA RFO III, DMGC, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.
Pinangunahan ang gawaing ito ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ng DA RFO III, Regional Technical Director for Operations and Extension/AMAD Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., at Regional HVCDP Focal Person Engr. AB P. David.