Isinagawa sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka Gitnang Luzon sa ilalim ng Regional Livestock Banner Program ang kanilang 1st Quarter Assessment sa Fave Hotel, Angeles City, Pampanga nitong ika-25 hanggang 26 ng Marso.
Layunin ng assessment na maipakita ang kasalukuyang estado ng implementasyon ng mga targeted na program at proyekto para sa paghahayupan.
Dinaluhan ito ng Regional and Provincial Livestock Program Coordinators at Provincial Veterinarians mula sa pitong lalawigan ng ikatlong rehiyon.
Inilahad sa assessment ni Livestock Regional Program Coordinator Gil G. David ang status sa tungkol sa continuing projects para sa 2025 at estado ng mga programa, proyekto at target para sa 2026.
Kabilang sa ipinakitang impromasyon ay ang Physical and Financial targets, Swine Industry Recovery Project, tulong sa mga duck raisers, at Livestock Economic Enterprise Development (LEED)
Ang LEED na may layuning palakasin ang kontribusyon ng mga sub-sektor ng hayop at manok sa pagtaas ng kita ng maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi o pagbibigay ng mga Livestock at Poultry Modules bilang grant.
Nagkaroon din ng presentasyon sa kasalukuyang kalagayan at bagong impormasyon patungkol sa African Swine Fever at Avian Influenza sa rehiyon na ibinahagi ng Agriculturist II mula sa Livestock Program na si Noemi Guintu.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong





