Matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka β Gitnang Luzon ang Milk Feeding Program at pamamahagi ng agricultural tools at inputs sa ilalim ng Gulayan sa Paaralan Program (GPP) noong ika-24 ng Marso sa Linglingay Elementary School sa Science City of MuΓ±oz, Nueva Ecija.
Layunin ng aktibidad na mapabuti ang nutrisyon at kalusugan ng mga mag-aaral sa elementarya sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansiyang gatas. Kasabay nito, isinagawa ang pamamahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura upang suportahan ang mga paaralan sa pagtatanim ng sarili nilang pagkain.
Kabuuang sampung (10) paaralang elementarya sa Science City of MuΓ±oz ang nakatanggap ng agricultural tools at inputs, kabilang ang Bagong Sikat Elementary School, Cabisuculan Elementary School, Calabalabaan Elementary School, DepED CLSU Laboratory Elementary School, Linglingay Elementary School, Mapangpang Elementary School, Maligaya Elementary School, MuΓ±oz Central School, MuΓ±oz North Central School, at Palusapis Integrated School.
Kabilang sa mga ipinamahagi ang hydroponics solution (Snap A at B), growing boxes na may seedling plugs, seedling trays, organikong pataba, sprinkler, dipper, molasses, bolo, kalaykay, pala, at iba pang kagamitang makatutulong sa pagtatanim.
Ang gatas ng kalabaw na ipinamahagi sa feeding program ay produktong lokal na gawa ng Catalanacan Multi-purpose Cooperative (CAMPC), na sinuportahan ng DA β Philippine Rural Development Project sa pamamagitan ng pagbibigay ng storage facility at marketing support tulad ng mga truck at production support. Dahil dito, mas napalakas ng kooperatiba ang kanilang kapasidad sa paggawa ng pasteurized toned milk at mas napadali ang maayos at epektibong paghahatid nito sa mga paaralan sa lungsod.
Tinatayang nasa 400 mag-aaral ang nabigyan ng libreng gatas ng kalabaw sa Linglingay Elementary School.
Ang GPP naman ay isang inisyatiba ng DA sa ilalim na High Value Crops Development Program na ang pangunahing layunin ay magkaroon ng katatagan at kasapatan ang pagkain. Isinusulong din nito ang pagbibigay kamalayan sa paggawa ng pagkain sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga mag-aaral at guro na magtanim at mag-ani ng gulay, na nagdudulot ng benepisyo sa kanilang nutrisyon, kalusugan, at pagkatuto. Upang magawa ito, nagkakaloob ang GPP ng mga libreng pagsasanay at pagkakaloob ng mga agricultural tools at inputs na magagamit ng paaralan.
Dinaluhan ang aktibidad ng Regional Executive Director ng DA Central Luzon na si Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., kasama sina Field Operations Division Chief Elma Mananes, Supervising Agriculturist Maricel Dullas, Ph.D., Agricultural Program Coordinating Officer Analou Morelos, Ph.D., at ang Alkalde ng Science City of MuΓ±oz na si Hon. Baby Armi L. Alvarez, gayundin ang mga kinatawan mula sa Municipal Agriculture Office at mga paaralan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Director Lapuz na ang milk feeding program ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Kagawaran, sa pakikipagtulungan sa National Dairy Authority at Philippine Carabao Center, upang mapabuti ang nutrisyon ng kabataan. Dagdag pa niya, mahalaga ang Gulayan sa Paaralan Program sa paghubog sa mga mag-aaral na magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa pagtatanim na maaari nilang magamit sa kanilang mga tahanan.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat at paghihikayat si Bernardo A. Gargabite, Hepe ng School Governance and Operations Division ng DepED MuΓ±oz, sa lahat ng mga kalahok at tagapagtaguyod ng programa.
βHinihikayat ko ang bawat isaβlalo na ang ating mga kabataanβna yakapin ang layunin ng programang ito. Alagaan natin ang ating mga tanim, pahalagahan ang mga biyayang ating natatanggap, at gamitin ito bilang hakbang tungo sa mas malusog at mas maunlad na pamayanan,β ani Gargabite.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong






