HUMIGIT KUMULANG 15,000 SEEDLINGS AT MGA FARM INPUTS, IBINAHAGI SA MGA MAGSASAKA NG HERMOSA
Katuwang ang Local Unit Government ng Hermosa, Bataan sa pangunguna ni Mayor Antonio Joseph R. Inton, binahagi ng Kagawaran ng Agrikultura ng Gitnang Luzon ang humigit 15,000 coffee and 4,000 seedlings at farm inputs sa mga magsasaka at farmer cooperatives/associations ng barangay Mabiga, Hermosa, Bataan nitong ika-24 ng Setyembre.
Dinaluhan ang nasabing turnover ni High Value Crops and Rural Credit Undersecretary Evelyn G. Laviña. Regional Executive Director Crispulo G. Bautista Jr., Hermosa Mayor Antonio Joseph R. Inton, at ang iba’t ibang kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.