Isinagawa ang FY 2027 Plan and Budget Preparation Workshop ng National High Value Crops Development Program (HVCDP) mula ika-9 hanggang 13 ng Pebrero sa Mabalacat City, Pampanga.

Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa HVCDP National Program Management Office, attached bureaus at agencies, at mga Regional Field Offices ng Kagawaran.

Layunin ng aktibidad na ihanay ang mga panukalang plano at priyoridad ng HVCDP para sa FY 2027 sa umiiral na mga polisiya, at direktiba ng Kagawaran, gayundin sa mga resolusyon at teknikal na gabay ng mga katuwang na ahensya.

Sa unang bahagi ng workshop, inilahad ang Guidelines and Directives para sa FY 2027 Plans and Budget Preparation ng HVCDP, kasunod ang presentasyon ng Planning and Programming Division hinggil sa internal guidelines sa paghahanda ng Plan and Budget Proposal ng Kagawaran. Ibinahagi rin ng Investment Program Division ang FY 2025 Updated Investment Program bilang batayan ng mga susunod na alokasyon.

Tinalakay din ang 2025 Policy Resolution na pinagtibay ng National Sectoral Committees para sa Fruits and Vegetables, Coffee, at Cacao sa ilalim ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries. Nagbigay naman ang Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering ng mga guidelines, technical bulletins, key schedules, at action items para sa plan at budget preparation. Ipinresenta rin ng Food and Development Corporation ang mga support services nito para sa High Value Crops.

Ang nalalabing mga araw ng workshop ay inilaan sa presentasyon at talakayan ng mga panukalang FY 2027 Plan and Budget ng HVCDP ng mga attached offices at agencies, pati ng mga Regional Field Offices. Sa bawat presentasyon ay nagsagawa ng open forum kasama ang mga panelist. Dito ay napagkasunduan ang iba’t ibang usapin kaugnay ng implementasyon, target, at alokasyon ng pondo.

Sa pagtitipon, binigyang parangal ang Agriculture Training Institute bilang Top Performing Bureau, sinundan ng Bureau of Plant Industry at Philippine Rubber Research Institute. Kinilala rin bilang Top Performing Regions sa kabuuang implementasyon ng National High Value Crops Development Program para sa taong 2025 ang Zamboanga Peninsula, Bicol Region, Central Luzon, Western Visayas, Ilocos Region, at Cagayan Valley.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong