Sa pangunguna sa Kagawaran ng Pagsasaka Gitnang Luzon katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Tarlac ay isinagawa ang Technical Briefing and Launching of the Hybrid Rice Model Farm Project nitong ika-30 ng Hunyo sa Brgy. Lourdez, La Paz, Tarlac.

Layunin ng proyekto na mapataas ang produksiyon at kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapalaganap ng mga makabago, climate-smart, at episyenteng teknolohiya sa hybrid rice production.

Dumalo sa pagpapasinaya sina Deputy Regional Rice Banner Coordinator/ Regional Seed Coordinator Christian Ramos, Tarlac City Mayor Hon. Susan A. Yap-Sulit, Tarlac Provincial Agriculturist Noel C. Regis, mga kinatawan mula sa lakal na pamahalaan ng Tarlac City at La Paz, mga pribadong kumpanya ng binhi at pataba at, mga magsasaka ng hybrid.

Sinabi ni Mayor Yap-Sulit na mahalaga ang economies of scale sa pagsasaka upang mas mapaangat ang kinikita ng magsasak ng palay, at magandang inisyatibo ang proyekto sa hybrid at pinagsama-samang sakahan. Binanggit din nito na nakakabili narin sila sa direkta sa magsasaka dahil sa implementasyon ng Sagip Saka Act.

Pasasalamat naman ni Provincial Agriculturist Regis na nabigyan sila ng pagkakataong mapili ang lalawigan ng Tarlac upang masinayaan ang proyekto.

Ayon naman kay Rice Program Coordinator Ramos, ibibigay ng Kagawaran ang inputs mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani mula sa hybrid project.

Naanyayahan din upang magbahagi ng kanilang mga programa ang National Irrigation Administration para sa pagpapatubig; National Food Authority para sa pagbili ng mga palay na aanihin, at Philippine Crop Insurance Corporation para sa pagpapasiguro ng taniman.

Sa kasalukuyan ay nagsisimula na sa pagpupunla at paglilipat tanim ang mga magsasaka at tinatayang makakaani sa Setyembre hanggang Oktubre ng taon.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong