HYBRID NA BINHI AT CERTIFIED SEEDS, IBINAHAGI SA QUEZON, NUEVA ECIJA

Nakatanggap ng mga Binhing Hybrid at Certified Seeds ang mga magsasaka ng pamahalaang lokal ng Quezon, Nueva Ecija na mula sa National Rice Program o NRP ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 3 (DARFO3).

Pinangunahan ni Municipal Agriculturist na si Ginang Clavelyn Cardova ang pamamahagi ng mga nasabing binhi at seeds sa nasabing bayan.

Nagsimula ang pamamahagi ng mga binhi mula noong ika-18 ng Mayo at tinatayang 922 bags ng SL8, SL20 at LP534 ng binhing hybrid at 1420 bags ng NSIC 480, 222 at 216 ng certified seeds na ang naibigay sa mga magsasaka ng Quezon, Nueva Ecija. Umaaasang bago magsimula ang pagtatanim ng mga magsasaka ng nasabing bayan ay maibahagi na ang lahat ng hybrid at certified bags.

Nilalayon ng programang ito na matulungan at maiangat ang produksyon at kita ng ating mga magsasaka ng Gitnang Luzon.

View Photo Gallery